Paano at kung kailangan?
Paano pag binago na ng mga taong nakapaligad sa taong mahal mo ang pag katao ng minamahal mo.
Paano kung hindi pa pala siya handa sa mga responsibilidad bilang kabiyak mo
Paano kung minamahal mo na siya ng husto pero di ka naman nya priority
Paano na lang kung nakipag hiwalay ka. Masasabi mo pa kayang mahal mo siya eh iniwan mo nga
Paano na lang kung di ka nga kasi nya kailangan sa buhay nya, paano na lang.
Pero aantayin mo pa ba na mawala siya sa buhay mo para karealize mo ang mali sa mga desisyon mo.
Kailangan pa bang mag kasakitan at makapag bitiw ng masasamang salita. Salita na pag binitawan mo alam mo na hindi mo na mababawi pa. Nasaktan na, umiyak na at nadurog na and damdaming pilit na nag mamahal.
Kailangan pa nga ba tlga na mawala sayo ng tuluyan ang taong to bago mo maisip kung gaano kaimportante ang taong to
Paano na lang kung sa pag kawala nya di mo na ulit siya matagpuan.
Paano kung di ka pala nya nabayaran sa utang nya
Paano kung kailangan nga na mawala ang taong mahal mo para muli mong matagpuan ang sarili mo
Paano nga kung kailangan talaga mawala ang taong to para muli nyong makita ang isa't isa
Paano kung kailangan na lumayo ka sa kasalukuyang ikaw at kasalakuyang siya
Paano kung kailangan mo na ngang bumitaw talaga
Malungkot napaka lungkot pero paano at kailangan