Friday, July 11, 2014

Istoryahan sa FX

Mahalaga talaga ang communications sa mag kakapamilya, kanina sa FX meron dalawang ina na nag kwekwentuhan sa likod, sa una ang kanilang pinag kwekwentuhan ay kung gaano kahirap sumakay at kung gaano ka trapik sa cavite hanggang sa umabot sa part na pati ang pag baha sa bacoor nung nag daang habagat at kung anong solusyon ang ginawa ng asawa at anak nung isa at kung gaano naman kaapektado ang bahay nung isa, hanggang sa napag usapan nila ang kanilang anak at apo, habang ang isa sa kanila ang bumibida na kwento niya na kung gaano kapabaya ang balae nya sa kanilang apo at hinahayaan na gumawa ng di maganda ang kanilang 10 buwan na apo tulad na lang ng pag basag ng mga babasagin na figurin sa bahay nung balae nya, hanggang sa pag papabaya sa bata na makasalamuha ang mga aso nila at pag lalaro ng binggo at kasama sa usapan nila ang plano sana ng anak nila na ung nanay na lang nila ang mag alaga sa bata para maasikaso at malapit sa pinapasukan ng mag asawa sa intramuros at san juan, pero ang sagot daw niya, "okay lang anak, basta ba pasasahurin mo ko" madaling sabi yung kabilang panig ay nag offer na sa kanila na lang, tapos ngaun etong si nanay ang sabi daw sa anak pag isipan mo yan anak dahil pampanga ang inuuwian nila at araw araw daw nauwi ng pampanga ang mag asawa para sa anak nila, ang asawa daw nya nag plaplano na mag retire na lang daw para cya na ang mag aalga ng kanilang apo at siya ay okay lang. hanggang sa napag usapan ang kanilang yumao na panganay na anak nung isang taon lang o halos wala pang isang taon October daw namatay at biglaan daw ang pag kamatay nito. Ang kanilang anak ay masasabi nyang successful sa buhay, meron daw magandang trabaho at kumikita ng maayos, kumuha daw to ng linguistic at Economics ata un at ang Girlfriend ay isang model daw ng isang clothing line na nakilala nila nung araw ng burol na kung hindi pa daw nag lumpasay nung burol di pa nila makikilala pangiting kwento nung ale sa kausap niya. Nang natanong nung kausap nya kung anong kinamatay ng anak nya ang kwento nya, umuwi daw sa kanila at pag katapos ng 4 na araw bigla na lang daw namatay, hindi daw nila alam na meron Cancer sa Dugo ang kanilang anak at may taning na ang buhay, nag punta pa daw ito sa Malaysia bago mamatay at hiningan pa daw nya ng pasalubong. At pag katapos ilibing nung kanilang anak kinuha daw nila ung mga gamit sa condo nito andun lang nila nalaman sa kasama nito na sumusuka na ng dugo ang kanilang anak. kwento pa nya sa kanyang kausap hindi pa daw niya nilalakad yung mga pera na dapat nyang makuha sa pag kamatay ng kanilang anak, saka na lng daw pag naka isang taon na. Naisip ko lang: "Di ba kung magulang ka, kahit nasan pa man ang anak mo at kung ano man ang kalagayan nito sa buhay mahalaga na kinakamusta mo pa din ito at inaalam ang nangyayari sa buhay buhay nila, parang sobrang lungkot isipin na mag isang nilalabanan ng anak nila ang kanyang sakit na sumusuka na cya ng dugo sa kanyang condo at hindi pa din alam ng kapamilya niya. Ano nga ba ang mas mahalaga sa panahon ngaun, kung dinalaw lang sana nila ang kanilang anak sa condo nito at tinanong ang kalagayan nito, pero naisip ko din na baka nga naman meron din sariling dahilan ang kanilang panganay na anak kaya hindi na sinabi nito sa kanilang mga magulang ang nangyayari sa knya, kaya cya na mismo ang nag ayos ng kanyang susuotin sa kanyang burol, hindi nga lang na kwento kung ung anak din ang bumili ng kabaong at lupa na pag lilibingan nya. Kaya naisip ko na mahalaga talaga ang Komunikasyon sa isang pamilya, malapit man o malayo ang kinaroroonan nito hanggang pamilya ang turing niyo sa isa't isa. Siguro mahalaga din na kahit na my kanya kanya na kayong pamumuhay meron pa din oras at panahon o bonding moments ng mag papamilya. Hindi mo alam bukas makalawa ililibing mo na pala ang anak moo kaya ililibing ka na ng mga anak mo. maige na may maiwan ka na magandang alala kaysa maalaala ka nila sa masasamang ginawa mo sa kanila, sa pag mamaliit mo sa kanila, sa pag paparamdam na ayaw mo sa mga anak mo. Totoo minsan ang mga magulang pa natin ang nag paparamdam satin nito o minsan sadyang may mga magulang na hindi alam mag pakamagulang sa kanilang mga anak. Minsan mag isip isip din tayo sa mga bagay ni pag kwekwentuhan natin sa publiko, na akala mo minsan ikaw ang bida sa istorya na sinasabi mo, pero di mo alam ikaw ang kahihiyan sa istorya mo. Hindi ko na alam kung ano pang napagwentuhan nila sa kadahilanang bumaba na ko ng FX.

No comments:

Post a Comment